and all those other stuff.

Friday, September 22, 2006

what's your personality cluster?

Your Personality Cluster is Introverted Thinking

You are:

Objective, honest, and credible
Intellectually curious, with many diverse interests
More inclined toward ideas than people
Fiercely independent and unapologetically unconventional

what mixed drink are you?

You Are a Bloody Mary

You're a fairly serious drinker, who's experimented a lot with different drinks.
You're a drunk, but a stable drunk. You don't ever let your drinking get out of control.

Wednesday, September 13, 2006

How To Control Your Emotions

This would give you guides on how to control your emotions towards your better-half, friends, officemates and all the people around you, especially your "boss". The rules of practicing 'ugaling langit, ugaling kaaya-aya':

#1 Ang naunang magalit ang may karapatang magalit. Pag naunahan ka na ng galit niya, tumahimik ka na lang muna.

#2 Walang taong nag-aaway mag-isa. Pag hindi kayo sumagot o pumatol, titigil din daw ang taong nakikipag- away sa inyo.

#3 Ang taong galit, 'bingi.' If someone is angry, wala raw pinakikinggan, so, don't try to explain and fight back. Hindi ka niya iintindihin dahil wala siyang naririnig kundi ang sarili nya.

#4 Ang taong galit, 'abnoy.' Ayon sa pastor, Biblical daw ito? because the Lord said when He was crucified, "Father, patawarin mo sila dahil hindi nila alam ang kanilang ginagawa." Modern term for these kinds of people are abnoys, so you better not get angry para huwag kang matawag na abnoy.

You should also know and realize that the persons who make your day bad are jewels, because you need them for you to mature. Hangga't andyan daw sila at kinaiinisan mo, ibig sabihin, immature ka pa.

God will not take away those people; it's for you to take away your bad feelings towards them. You'll know na mature ka na pag dumating 'yung time na hindi ka na naiinis sa mga taong ito because you have learned to accept them and to have patience with them.

#5 Finally, the best part of this is to tell yourself na, because of this person, "I will grow mature," and that DAHIL SA CONTRIBUTION NIYA SA MATURITY MO, KUKUNIN DIN SYA NI LORD.

Ang U.P.

The UP System is the premiere educational institution in the Philippines. Kahit kaninong
Pilipino nyo itanong, sasabihin na UP ang numero unong unibersidad sa pinas.

Yung mga nagsasabing hindi UP ang number 1, mga in denial. Di nila matanggap ang laki ng pagitan ng UP sa iskwelahan nila. Yung iba naman mga bitter, hindi pumasa sa UPCAT kaya naninira- cheap daw ang UP, Jologs ang UP, magulo at delikado daw sa UP, never daw nilang naisipang mag-aral sa UP, pero deep inside UP ang dream school nila.

Sabi nila ito ang breeding ground ng mga future leaders ng pinas- pati na rin mga future rebels. Sa UP mo makikita ang lahat ng klase ng tao, it's the "REAL WORLD" daw e--- lalake, babae, binabae, tibo, tomboy, alanganin, syoke, mayaman, mahirap, jolog, sosyal, kristiyano, muslim, pagano, satanista, tarantado, sira ulo, basagulero, siga, duwag, walanghiya, nerdoks, geeks, macho, sexy, payatot, maganda, guwapo, panget, manyak, birhen, liberated, conservative, maginoo, bastos, peste, magnanakaw, manggagancho, mamamatay - tao, etc. etc. etc!

Dito mo rin makikita ang pinakamadaming fraternities - APO, SJ, Sigma Rho, Alpha Sigma, Pi O, Pi Sigma, TOM, Mu Sigma Phi, Upsilon, Downsilon, Rightsilon, Leftsilon, Babaylan, Alpha Phi Chupapi, etc. - name it at meron ang UP.

Pati na rin ang source ng lahat ng masasarap na pagkain na makukuhanan ng sakit - fishballs, squidballs, kikiam, isaw, A.D.I.D.A.S, Bilog, Tenga, balun-balunan, kwek-kwek, Mang Jimmys, Rodics, Beachhouse, at ang ever famous CASAA - na ngayon ay downloadan na ng mga mp3 at mpeg na bomba.

Kung ikukumpara mo sa mga ibang schools, sa UP mo makikita ang pinaka bulok na systema
kapag registration (ooops, may CRS na pala) at ang pinaka mahihirap at mahahabang subjects.

UP System ang tawag dahil maraming campuses all over the Philippines.

Andyan ang UP Diliman, ang pinaka malaking school sa Pilipinas. Sa sunken garden maraming milagrong nagyayari tuwing gabi. Sa sobrang laki pa ng campus, pwede kang magtayo ng house and lot at di ka pa masisita ng admin.

Sa UP Manila, nagkalat ang mga konyito at konyita. Airconditioned pa daw ang classrooms nila! Pampered! Andun ang pinakasosyal na UP building ang UP Robinsons. Andun din ang PGH, kaya kahit masaksak ka habang nag- aabang ng jeep pag ginabi sa pag-uwi, o isa kang binabae na nabugbog dahil nahuli kang naghihipo sa sinehan sa Robinsons, o mamamatay tao at hindi callboy ang napick-up mo sa may PWU, malamang ay mabubuhay ka pa.

Sa UP Baguio, para kang nagbabakasyon while studying. Malamig all year round, kaya marami ang laging may kayakap tuwing gabi. Familiar din to sa mga Jolina Fans dahil dito shinoot ang isa sa mga super duper kilig movies nila ni marvin.

Sa UP Los Banos, para sa mga gusto nang kumawala sa parents! Liblib na lugar, You can do what you never got to do when those parents are around! Ayos para sa mga nature lovers dahil bundok ang nasa likuran. Ayos din para sa mga nag- iinit na mga lovers, marami kasing talahiban.

Meron ding UP Visayas at U.P. Mindanao, para sa mga sawa na sa Luzon.

And of course ang pinaka underrated na branch, ang PUP or Philippine University of the Philippines for short. Meron ding mga hoping maging UP - andyan ang UST or UP Sana Tayo, DLSU- di Lusot sa UP, at AdMU- Ayaw DAW mag UP.

Hindi mo talaga makakalimutan ang buhay mo sa UP.

He Said, She Said

ANG MGA BABAE TALAGA, OO
by redrope

*gabe. usapang lalake*

*sindi ng yosi*

*hithit*

*buga*

Musta na, pare? Ako, okay lang. Eto.Nagmumuni-muni. Nag-iisip. Minsan talaga may mga bagay na hindi ko maintindihan. Ewan ko ba.

*hinga ng malalim*

Bakit ba ganun pare, ilang beses ko na pinag-aralan pero lagi na lang lumalabas na parang kahit 'sang anggulo mo tingnan, hindi nagiging patas para sa mga lalake ang ilang bagay pagdating sa pagmamahal.

*tingin sa stars*

Minsan naiisip ko, alam kaya ng mga babae ang hirap ng lalake na gumawa ng first move para magtapat ng pagmamahal? E yung hirap na dinadaanan sa panliligaw at pagsuyo sa mahal nya? Ang feeling ng masaktan pag nabasted? Malamang-lamang siguro, hindi ano. Wala naman yata silang alam sa mga paghihirap naten e. Ang alam lang ata nila e mamili, manakit, at magsaya. Tingin mo?

*tingin sa malayo*

Lagi naman ganun. Una pa lang, lalake na ang naghihirap. Hassle saten ang panliligaw pero bago pa yun, kung ano pang diskarte a ng gagawin naten para masabi naten sa kanila na mahal natin sila. Alam kaya nila yun? Mahirap magsabi na mahal mo na yung babae, diba? Tapos liligawan pa naten. Patutunayan na mahal nga sila. Susuyuin to-the-max. Maghahatid sa bahay, tutulungan, sasabayan, palalamunin, pagtyatyagaan, lahat na. Kulang na lang e pagsilbihan mo nang walang sahod. At ano ang kapalit? Well, depende sa trip nila. Oo tol, sa trip lang nila. Wala silang pake kesehodang mahal natin talaga sila. Basta ang alam nila, pag di nila tayo trip, isang malaking HINDE ang makukuha naten, kahit umiyak pa tayo ng dugo o lumuhod sa mga asing buu-buo. Para lang silang namimili ng damit na di man lang sinusukat bago ayawan. Kaya kahit mahal na mahal na mahal na mahal natin, sorry tayo. Hindi nila alam kung mahal mo sila. Kailangan mong maabot ang kanilang mga standards o uuwi ka lang na bad trip, iiling-iling, at minsan, luhaan.

Wala tayong magagawa, marami silang alibi.

"Hindi pa 'ko ready eh.."
"Sorry pero I think we should just be friends.."
"Ha? Uhm.. nagpapatawa ka ba? Hahahaha.."
"Better luck next time na lang muna, okay lang?"
"Give me a decade. Pag-iisipan ko muna.."
"Para lang kitang kapatid e..", yaddah yaddah. Isang malaking pagsasaklob ng langit at lupa 'yon para saten.


*kuha ng bote ng beer*

*lagok*

*lunok*

At hindi lang 'yon tol. Sa pre-relationship stage pa lang yon. Pag sinagot na nila tayo, satin pa rin ang hassle. Tayo daw ang mga lalake kaya tayo ang hahawak ng relasyon. Tayo ang aayos kung may gulo; tayo ang dapat magpapakabait; tayo ang magtatyaga; tayo ang magiging devoted at faithful; tayo, tayo tayo.

Sila? Ummm? Teka, isipin ko.

Ayun. Sila ang magsasabi kung anong oras kayo dapat magmeet; sila ang magtetext ng mga mushy at kabalbalang texts; sila ang magdedemand sayo ng kung anu-ano; sila ang magbabawal; sila ang ma gsasabi kung kelan ka dapat mag-shave, kung kelan ka pwedeng tumawag sa bahay nila, kung kelan sila di dapat bad tripin dahil meron sila, at kung kelan ka korni. Ewan. Ganun ata talaga.

*kuha ng bote ng beer*

*lagok*

*lunok*

Hindi pa yun tapos pare, dahil dapat tayo ang bahala kung ano ang magiging takbo ng relasyon. Pag maganda, edi okay. Pag may problema, kasalanan naten. Haay buhay. Minsan talaga kung tutuusin sakit sila ng ulo. Kaya lang mahal naten kaya di na natin iniintindi yun.

*hinga ng malalim*

Pero alam mo tol, feeling ko mas sincere pa tayo magmahal sa kanila. Alam mo yun, iba tayo magmahal e. Hindi lang parang laru-laro lang. Seryoso. At kung magmahal man tayo, lubus-lubusan. Mas mature. Hindi yung parang pambata lang gaya nila na kesyo magseselos-selos, iiyak-iyak, iina-inarte, dadradrama, at kung anu-ano pa. Hindi lang kabab awan. Ka-mushyhan. Kababaihan. Iba tayo pag nagmahal.

*hin ga ng malalim*

*tingin sa malayo ulit*

At ito pa ang pinakamasaklap.

*singhot*

Ang ending ng relasyon. Sa mga panahong 'to, either sawa na sila, hindi na tayo trip, may nahanap na silang better saten, o kaya they need f*cking space and time muna. Bad trip no? Wala na naman tayong choice. Sila ang masusunod.

At ano pa ang kasamang hassle don? Syempre wasak na ang imahe naten. Tayo ang lalabas na may kasalanan. Na playboy. Na nagpapaiyak.

*iiling*

Tayo siyempre ang mga antagonist at sila yung mga bidang inaapi at parang mga pusang iiyak-iyak. Ang ending: mag-ooffer sila ng "friendship" kuno matapos tayong pagsawaan, lahat ng gifts naten nasa kanila, sawi tayo sa pag-ibig, "player" na ang image naten, at higit sa lahat, mag-iisip kung papaano ipagpapatuloy ang buhay. Maiiwan tayong tulala, mag-iisip kung saan nagkamali, mamomroblema sa pag-aadjust sa pagiging single, at di na naman makakatulog.

Haay buhay. Ang hirap maging lalake. Lagi ka na lang naiiwan sa ere. Ano? Hindi ka na nagsa lita? In-love ka no?

Ako, kamusta? Eto. Yoyosi-yosi. Bubuntong-buntong hininga. Titingin-tingin sa bituin. Mumuni-muni. Lalagok-lagok ng alak.

Ang mga babae talaga, oo.

ANG MGA LALAKE TALAGA, OO
(tugon kay redrope)
by xristel

Ano ba itong si redrope?

Kaming mga babae na naman ang nakita. Lalake, agrabyado. Lalake, kinakawawa. Lalake, hindi maintindihan. Hmmp, parang masyado yatang nagisa ang mga kabaro ko.

Tungkol sa pagiging patas sa ngalan ng pag-ibig, kami naman ang laging talo a, hindi kayo. Kami ang laging lugi, kami ang laging nawawalan at iniiwan.

Kapag ngumiti ka na ng konti, nag-ayos ng konti pagkakamalan ka nang malandi. Hindi pangseryosohang relasyon. Marinig lang nila na malakas kang magsalita, palengkera ka na. T.O. kagad sa kanila iyon. Mahilig silang tumingin sa mga babaeng sexy manamit, kulang nalang makita na kaluluwa. Pero kapa g babaeng seryosohin at gustong ligawan dapat disente, dapat mala-an ghel ang mukha, dapat mukhang inosente. Tapos kami pa raw ang mahilig mamili? Parang baliktad yata?

Ok, ayan nanliligaw na si lalake. Dapat pakipot ka para suyuin ka, para habulin ka pa lalo. Kapag hindi ka naman nagpakipot "easy to get" naman ang tingin sa iyo. Hindi ka na seseryosohin. Sino bang may sabing magpaalila kayo, di naman namin hawak ang buhay niyo. Natural lang na magtiis kayo, may gusto kayo sa amin eh. Kapag nakuha niyo na iyon wala na lahat ng mga paghihirap niyo, babaliktad na ang sitwasyon kami naman ang mamromroblema. Para lang kayong may gustong bilhin na bagay. Upang mabili ito kailangan munang magsakripisyo, magtipid, magtiis. Pag nabili na at napagsawaan wala na, balewala na. Diyan ka na sa tabi-tabi. Tawagan nalang kita pag trip ko o kaya'y pag may gusto akong ipagawa sa iyo.

Ano pa ba? E di sinagot mo na diba. Utang naloob pa natin yun. D ahil naghirap daw sila sa panliligaw dapat masuklian natin iyon ng higit pa. Sa umpisa kailangan malamb ing ka, maayos at laging magsisilbi sa kanya. Ayaw daw nilang humawak ng relasyon, pero kapag ikaw naman ang nagmando, aba, masasakal naman. Sasabihin pa sa iyo "demanding" ka. Meron ka pang maririnig na "I think we need space" at kung anu-ano pang ek-ek. Sino rin may sabing di dapat kami magpakabait, maging devoted at faithful? Kapag kami ang sumaway niyang mga iyan, iba na ang tingin sa amin. Malandi na kami, haliparot, pakawala, makikay at kung anu-ano pang mga bansag ang itatawag sa amin. Kapag kayo gumawa noon, ok lang. Lalake kayo eh, macho kayo pag ginawa niyo iyon. Kaya kami. Walang magawa. Magpapakaburo at magpapakamadre nalang. Kapag nagloko na kayo ano pa bang magagawa namin? Eh di iiyak nalang. Wala namang ibang magagawa eh.

Tungkol naman sa tinatawag niyong pagdedemand namin. Hindi kami nagdedemand! Karapatan lang namin iyon. Karapatan na mi n na lambingin niyo kami, icheck at ipakita sa amin na mahal niyo kami.

Hindi rin ibig sabihin na mas sincere kayo sa amin. Seryoso rin naman kami ah. At ang maturity wala yan sa edad. Mas maaga nga kaming magmature sa inyo. Ang isang 19 year old na lalake eh, isip 15 pa yun. It follows iyan sa lahat ng age group. Mas mataas pa nga kung minsan ang pagbawas ng level of maturity. Kayo na ang mag-math. Pati yung pag-iyak namin pinupuntirya niyo. Kesyo drama daw. Diba kapag umiyak ka nagbuhos ka ng emosyon diyan. Ano tingin niyo sa amin mga artista?!

Alam niyo iyon? Yun bang kulang nalang ay lumuha ka na ng dugo, pero hindi ka pa rin papansinin. Sasabihan ka pang tigilan na ang pagdradrama. Hindi nila kami maintindihan kapag nagseselos kami. Bakit naman kami magseselos kung wala kaming nakikita? Mas iba kaming magmahal. Mas masarap.

Kapag natapos na ang lambingan, eh di siyempre iwanan blues na. Kami pa raw ang nagsawa, ka mi pa raw ang nagtritrip lang. Sino ba ang lumalayas kapag may nakita nang bago, sino ba ang mayabang, sino ba ang nagmamalaki? Kami ba? Kami ang walang choice. Kasi ang babae pag sinabing "break na tayo" lambingin lang iyan ng konti balikan blues na iyan. Kapag ang lalake ang umayaw, pucha, bahala ka diyan. Kahit mag-tambling ka pa sa harap niya. Wa-epek. Umiyak ka ng bato. Wa-epek. Tsk, tsk, tsk. Tapos sila pa raw ang kawawa.

Post-break up, mahal pa ng babae si lalaki. Sasamantalahin ni lalaki. Magpapagawa ng kung anu-ano. Naaalala ka lang kapag may kailangan sa iyo. Kapag pumangit ka after the break up, magpapasalamat sila na iniwan ka nila. Kapag gumanda ka naman, ipagkakalat nila sa buong sangkatauhan na naging girlfriend ka niya. Sala sa init sala sa lamig talaga.

Ano ba namang buhay to? Ang hirap ding maging babae ano. Kala nila laging sila nalang. Lagi rin kaming naiiwan sa ere. In-love din kami.

Ang mga lalake talaga, oo.

Minsan May Isang Puta.

Tingin ng mga bobong kapitbahay ko puta daw ako. Nagpapagamit, binabayaran. Sabi nila ako daw ang pinakamaganda at pinakasikat sa aming lugar noon. Ang bango-bango ko daw, sariwa at makinis. Di ko nga alam kung sumpa ito, dahil dito naletse ang kinabukasan ko.

Tara makinig ka muna sa kwento ko, yosi muna tayo.

Alam mo, maraming lumapit sa akin, nagkagusto, naakit. Ang hirap pag lahat sa iyo virgin eh. Tinanggap ko naman silang tao, bakit kaya nila ako ginago? Masakit alalahanin, iniisip ko na lang na kase di sila taga rito, siguro talagang ganoon. Tatlong malilibog na foreigners ang namyesta sa katawan ko, na-rape daw ako.

Sa tatlong beses akong nagahasa, ang pinakahuli ang di ko makakalimutan. Parang maski di ko ginusto ang mga nangyari, hinahanap-hanap ko siya. Tinulungan nya kasi akong makalimutan yung mga sadistang Hapon at CoƱotics. Kase, ibang-iba ang hagod niya. Umiikot ang mundo ko sa tuwing ginagamit niya ako. Ibang klase siya mag-sorry, lalo pa at kinupkop niya ako at ang mga naging anak ko.

Parating ang dami naming regalo - may chocolates, yosi, ano ka! May datung pa! Nakakabaliw siya, alam kong ginagamit nya lang ako pero pagamit naman ako nang pagamit. Sa kanya namin natutunan mag-inggles, di lang magsulat ha! Magbasa pa! Hanggang ngayon, sa tuwing mabigat ang problema ko, siya ang tinatakbuhan ko. 'Yun nga lang, lahat ng bagay may kapalit. Nung kinasama ko siya, guminhawa buhay namin. Sosyal na sosyal kami.

Ewan ko nga ba, akala ko napapamahal na ako sa kanya. Akala ko tuloy-tuloy na kaligayahan namin, yun pala unti-unti niya akong pinapatay. P*** ng I**! Sa dami ng lason na sinaksak niya sa katawan ko, muntik na akong malaspag. Ang daming nagsabi na ang tanga tanga ko. Patalsikin ko na daw. Sa tulong ng mga anak ko, napalayas ko ang animal pero ang hirap magsimula.

Masyado na kaming nasanay sa sarap ng buhay na naranasan namin sa kanya. Lubog na lubog pa kami sa utang, kulang ata pati kaluluwa namin para ibayad sa mga inutang namin.

Sinikap naming lahat maging maganda ang buhay namin. Ayun, mga nasa Japan, Hong Kong, Saudi ang mga anak ko. Yung iba nag-US, Europe. 'Yung iba ayaw umalis sa akin. Halos lahat, wala naman silbi, masaya daw sa piling ko, maski amoy usok ako.

Sa dami ng mga anak ko na nagsisikap na tulungan ang kalagayan namin, siya din ang dami ng mga anak ko na namamantala sa kabuhayan at kayaman na itinatabi ko para sa punyetang kinabukasan naming lahat. Dumating ang panahon na di na kami halos makaahon sa hirap
ng buhay. Napakahirap dahil nasanay na kami sa ginhawa at sarap.

Ang di ko inaakala ay mismong mga anak ko, ang tuluyang sisira sa akin. Napakasakit tanggapin na malinlang. Akala ko ay makakakita ako ng magiging kasama sa buhay sa mga ahas na ipinakilala ng mga anak ko Hindi pala. Ang tanga ko talaga. Binugaw ako ng sarili kong mga anak kapalit ng kwarta at pansamantalang ginhawa na nais nilang matamasa.

Wala na akong nagawa dahil sa sobrang pagmamahal ko sa aking mga anak. Wala akong ibang yaman kundi ganda ko. Pinagamit ko na lang ng pinagamit ang sarili ko, basta maginhawa lang ang mga anak ko.

Usap-usapan ako ng mga kapitbahay ko. May nanghihinayang, namumuhi at naaawa. Puta na kase ang isang magandang tulad ko.

Alam mo, gusto ko na sanang tumigil sa pagpuputa kaso ang laki talaga ng letseng utang ko eh. Palaki pa ng palaki. Kulang na kulang. Paano na lang ang mga anak ko naiwan sa aking punyetang puder? Baka di na ako balikan o bisitahin ng mga nag-abroad kong mga anak. Hindi na importante kung laspagin man ang ganda ko, madama ko lang ang pagmamahal ng mga anak ko. Malaman nila na gagawin ko ang lahat para sa kanila.

Sa tuwing titingin ako sa salamin, alam ko maganda pa rin ako. Meron pa din ang bilib sa akin. Napapag usapan pa din. Sa tuwing nakikita ko ang mukha ko sa salamin, nakikita ko ang mga anak ko. Tutulo na lang ang mga luha ko ng di ko namamalayan. Ang gagaling nga ng mga anak ko, namamayagpag kahit saan sila pumunta. Mahusay sa kahit anong gawin. Tama man o mali. Proud ako sa kanila. Kaso sila, kabaligtaran ang nararamdaman para sa akin.

Sa dami ng mga anak ko, iilan lang ang may malasakit sa akin. May malasakit man, nahihilaw. Ni di nga ako kinikilalang ina. Halos lahat sila galit sa isa't isa. Walang gusto magtulungan, naghihilahan pa. Ang dami ko ng pasakit na tiniis pero walang sasakit pa nung sarili kong mga anak ang nagbugaw sa akin. Kinapital ang laspag na ganda ko. Masyado silang nasanay sa sarap
ng buhay. Minsan sa pagtingin ko sa salamin, ni hindi ko na nga kilala sarili ko.

Dadating na naman ang pasko, sana maalala naman ako ng mga anak ko. Isang buwan pa, magbabagong taon na. Natatakot ako sa taong darating. Ngayon pa lang usap usapan na ang susunod na pagbubugaw ng ilan sa mga anak ko. Sana may magtanggol naman sa akin, ipaglaban naman nila ako. Gusto kong isigaw: "INA NINYO AKO! MAHALIN NYO NAMAN AKO!"

Sige, dumadrama na ako. Masisira na ang make up ko nito eh. Salamat ha, pinakinggan mo ako.

Ay sorry, di ko nasabi pangalan ko.

Pilipinas nga pala.